Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo na pinangalanang ‘Bising’ nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa tweet ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang severe tropical storm ay nakapasok sa PAR bandang alas-6:20 ng umaga.

Nagtataglay ng lakas ng hangin na 110 kilometer per hour, aabot naman ang pagbugso ni Bising sa 135 kph.

Dahil dito’y inaasahan na maging maulan ang panahon sa Eastern Visayas at Mindanao.

Makararanas din ng posibilidad ng isolated rain shower sa natitirang parte ng VIsayas.

The post Bagyong Bising pumasok na sa PAR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagyong-bising-pumasok-na-sa-par/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagyong-bising-pumasok-na-sa-par)