Muling itinulak ng isang lady solon ang pagpapatupad ng household lockdown sa halip na community quarantine.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, masyadong malawak ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

“Kailangan ng mas targeted na approach. Kailangan surgical ang attack at hindi shotgun approach. Our resources are limited, so let’s be strategic about using them,” ani Quimbo.

Sa kanyang panukalang household lockdown, ang pamilya lamang na positibo sa COVID-19 ang hindi palalabasin at bibigyan ng kinakailangang ayuda.

Sa ganitong paraan ay maaari rin umanong magbukas ang ekonomiya kaya magpapatuloy ang pagpasok sa trabaho at mabubuhay ang mga negosyo.

Nang unang ipatupad ang MECQ noong Agosto 2020, sinabi ni Quimbo na nasa 6,000 kada araw ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19. Naging epektibo umano ito at bumaba sa 4,000 kada araw ang naitatalang kaso at mas bumaba pa ng mga sumunod na linggo.

“Assuming that the new MECQ would have the same effect as the one implemented last August, at best, the current levels of 10-15k new daily cases can drop by a maximum of 40 percent to 6-9k new cases per day, which are still very high levels and pose significant risks to Filipinos’ safety,” paliwanag ni Quimbo

Inalis din umano ng gobyerno ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa panahon kung kailan naitala ang pinakamaraming namatay sa isang araw. Umabot ito sa 401 noong Abril 9.

“While I do not disagree with moving to a less stringent quarantine level for NCR+, we must keep in mind that we must do this with a more responsive plan in place,” wika pa ni Quimbo sa kanyang paggiit sa paggamit ng household lockdown.

The post ‘Bahay lockdown’ muling itinulak first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bahay-lockdown-muling-itinulak/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bahay-lockdown-muling-itinulak)