Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga puna sa paglalaro ng golf at pagmomotorsiklo sa gabi sa panahong hindi ito nakikita ng publiko ng ilang araw.

Sa kanyang regular na Talk to the People, binanggit ng Pangulo ang pangalan nina Senadora Leila de Lima at kolumnistang si Mon Tulfo na pumuna sa kanyang ginawa nitong nakalipas na araw.

Ayon sa Pangulo kaya sa gabi niya ginawa ang pag-golf dahil ayaw niyang mapulaan kapag nag-golf sa araw.

“Sa araw makita mo akong naggo-golf sabihin mo..lalo na ito si de Lima,sinasabi naggo-golf kasi may problema. Eh king mag-golf naman sa gabi,hatinggabi eh umaalma naman bakit ako nag-golf? Anak ng p*** saan pa? Kailan pa ba ako?,”anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na kaya siya naggo-golf at nagmo-motor ay dahil kaya pa niyang gawin ang mga gusto niyang gawin sa buhay.

“Kaya ako nakaka-swing ng golf tapos nagmo-motor eh kasi kaya ko pa. You should look into the time I enjoy my hobbies. Mon, gabi yon, alas dos ng madaling araw. Ani ba naman?,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang magkasunod na araw na naglabas ng mga larawan at video ng Pangulo si Senador Bong Go para patunayang walang katotohanan ang mga kumalat na ulat na may malubha itong sakit at doumano’y isinugod pa sa Cardinal Santos Hospital.

The post Bakit sa gabi nag-golf, nag-motor? Duterte sumagot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakit-sa-gabi-nag-golf-nag-motor-duterte-sumagot111/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bakit-sa-gabi-nag-golf-nag-motor-duterte-sumagot111)