Maaaring sa 2022 ay magkaroon ng sariling pasilidad ang Pilipinas para makagawa ng sariling bakuna, ayon sa isang opisyal ng Department of Science and Technology (DOST).

Saad ni DOST Undersecretary Rowena Guevara, may dalawang kompanya na sa bansa ang nakikipag-usap sa gobyerno para sa paggawa ng bakuna.

“‘Pag tuloy tuloy ‘yung ganito sila kaagresibo, based on our talks with them, kakayanin nila by end of 2022 mag-uumpisa sila,” ayon kay Guevara.

Gagawin sa Pilipinas ang isang ‘fill-finish facility’, kung saan dadalhin ang mga antigen at ilalagay ito sa mga vial o injectable para magamit bilang bakuna.

Ayon naman sa Department of Trade and Industry, apat na group na ang nakikipag-ugnayan para matatag ng vaccine manufacturing plant sa bansa.

“Hopefully po within this year or next year, meron ng mga actual investments that will come in, once na ma-settle din ang kanilang mga concerns at mga requirements.” ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez.

The post Bakuna na gawang ‘Pinas posible sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakuna-na-gawang-pinas-posible-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bakuna-na-gawang-pinas-posible-sa-2022)