Umakyat na sa 56 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19.

Ang bagong naitala sa death toll ay isang 50-anyos na police lieutenant mula Calabarzon, ayon sa PNP Health Service.

Meron umano itong comorbidity at naturukan na noong Marso 31 ng unang dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac.

Nakaranas itong parak ng headache, sore throat, ubo, at kahirapan sa paghinga isang linggo matapos mabakunahan.

Sumailalim siya sa swab test at positibo ang resulta. Naospital siya noong Abril 15, bumaba ang oxygen saturation, na-waitlist para sa hemoperfusion, at dineklarang patay noong Abril 29.

Samantala, may 147 pang pulis na nahawa sa COVID-19 habang may 198 pang gumaling.

Kaya naman 20,150 na ang mga nagpositibo habang 18,372 na ang nakarekober mula sa coronavirus sa hanay ng pulisya.

The post Bakunadong parak dedo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakunadong-parak-dedo-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bakunadong-parak-dedo-sa-covid)