Inaksyunan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nangyaring sunog sa isang motor launch na nakadaong sa Petron Wharf, Baliwasan Seaside, Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa PCG, inapula ng mga personnel ng BRP Bagcay at BRP Malamawi ang sunog na tumagal ng ilang oras.

“Using the ships’ portable fire pumps, the PCG augmented the Bureau of Fire Protection (BFP) in firefighting that lasted until 06:35 a.m. today, 17 April 2021,” saad sa Facebook post ng PCG.

Ayon sa BFP, ang sanhi ng sunog ay dahil sa tagas ng diesel dulot ng hindi maayos na pag-imbak ng mga drum na nasa loob ng bangka.

The post Bangka nagliyab sa Zamboanga first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bangka-nagliyab-sa-zamboanga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bangka-nagliyab-sa-zamboanga)