Inaasahang marami pang barko ng Amerika ang darating sa South China Sea para umano pagtibayin ang freedom of navigation doon.

Ginawa ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang pahayag matapos muling pasukin ng Theodore Roosevelt Carrier Strike Group ng US Navy ang nasabing lugar noong Abril 4 para magsagawa ng routine operations.

“US’ freedom of navigation operations ay tuluy-tuloy ‘yan. They’ve been increasing it in the past several months at ii-increase nila ‘yan continuously precisely to protect the seaway there,” ani Romualdez sa DZBB, Linggo.

“Freedom of navigation [means] any vessel can pass through there without any harassment or any stop from any country,” paliwanag niya.

Sinabi naman ng Department of National Defense na kinikilala nila ang karapatan ng ibang mga bansa sa freedom of navigation.

The post Barko ng US sa South China Sea asahang dadami first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/barko-ng-us-sa-south-china-sea-asahang-dadami/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=barko-ng-us-sa-south-china-sea-asahang-dadami)