Tinamaan ng magnitude 4.8 na lindol ang Batanes nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sinabing naitala ang lindol alas-10:33 ng gabi, Abril 29, sa 137 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Itbayat.

May 37 kilometrong lalim ang tectonic earthquake na ito.

Samantala, ayon sa Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala o aftershock ang nasabing pagyanig.

The post Batanes niyanig ng magnitude 4.8 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batanes-niyanig-ng-magnitude-4-8/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=batanes-niyanig-ng-magnitude-4-8)