Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa Batangas kaninang Miyerkoles ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang pagyanig alas-2:39 ng umaga, Abril 14, sa may pitong kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Calatagan.

Tectonic ang lindol at may lalim na 203 kilometro.

Dahil sa lindol, naramdaman ang Instrumental Intensity 1 sa Calatagan, Batangas.

Saad pa ng Phivolcs, walang inaasahang pinsala at aftershock kasunod nitong pagyanig.

The post Batangas inuga ng magnitude 4.5 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batangas-inuga-ng-magnitude-4-5/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=batangas-inuga-ng-magnitude-4-5)