Inaprubahan ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang pag-amyenda sa Batas Kasambahay (Republic Act 10361) upang maproteksyunan hindi lamang ang mga domestic helper kundi maging ang kanilang mga amo.

Sa ilalim ng House Bill 9144, ang private employment agencies (PEAs) ay kailangang gumawa ng hakbang upang matiyak na walang criminal record ang ipinapasok nitong kasambahay.

Dapat din magsagawa ang mga PEA ng background check para matukoy kung saan nakatira ang papasok na kasambahay.

Ang mga PEA ay maaari ring papanagutin kung mayroong ginawang krimen ang kasambahay sa loob ng isang taon mula ng ito ay mamasukan.

“It is but right the PEAs bear equal responsibility for any wrongdoing done by these workers,” ani Deputy Speaker at Buhay Rep. Lito Atienza na siyang may-akda ng panukala.

The post Batas Kasambahay pinaaamyendahan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batas-kasambahay-pinaaamyendahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=batas-kasambahay-pinaaamyendahan)