Gumaling na si Quezon City Mayor Joy Belmonte mula sa COVID-19.

Sa isang ulat, sinabi ng alkalde na nakatakda siyang lumabas mula sa isolation facility ngayong Huwebes, Abril 8.

Sinabi rin ni Belmonte na dahil dito, pwede na siyang maging hands-on sa pamamahagi ng ayuda sa mga residente ng QC habang may lockdown.

Marso 29 inanunsiyo ng mayor na nagpositibo ulit siya sa coronavirus. Una na siyang dinapuan ng COVID-19 noong Hulyo 2020.

The post Belmonte nakarekober na sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/belmonte-nakarekober-na-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=belmonte-nakarekober-na-sa-covid)