Pinagtibay ng Sandiganbayan ang naging hatol sa dating bise alkalde at anim na konsehal ng Viga, Catanduanes noong 2005 kaugnay sa pagbili ng backhoe loader nang hindi sumunod sa procurement law.

Ibinaba ang sentensiyang anim na taon hanggang sampung taon na pagkakakulong at diskuwalipikasyon sa public office noong Oktubre 9, 2020 laban kay dating Vice Mayor Yolando Tuquero at anim pang municipal councilor ng Viga.

Kasama sa hatol sina Sangguniang Bayan members Lourdes Alberto del Rosario, Rosario Mollasgo, Domingo Creer Villanueva, William Tuno Tuplano, Horacio Timola Aquino Jr. at Gomercindo Tebelin Litong.

Napatunayang nilabag nila, kasama si dating Viga Mayor Jose dela Cruz Torres, ang Section 3(e) ng “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” sa pagbili ng backhoe loader mula sa Compressed Air Machineries Equipment Corporation (CAMEC) sa halagang P13.95 milyon nang hindi dumaan sa public bidding at pagdedeklara na ang CAMEC lamang ang nag-iisang distributor ng equipment.

Sa inihaing motion to reconsider ni Tuquero at anim na konsehal, sinabi ng mga ito na dahil hindi nabili ang backhoe loader ay hindi sila maaaring hatulan sa isang paglabag “that was not consummated, and no damage was sustained by the municipality.”

Pero ayon sa Sandiganbayan, “The prosecution was able to prove that they acted with manifest partiality, evident bad faith, and gross inexcusable negligence when they issued SB Resolution No. 41, s. 2005.”

The post Binasura apela: Ex-Catanduanes vice mayor, 6 konsehal kulong ng 10 taon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binasura-apela-ex-catanduanes-vice-mayor-6-konsehal-kulong-ng-10-taon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=binasura-apela-ex-catanduanes-vice-mayor-6-konsehal-kulong-ng-10-taon)