Dapat umanong dagdagan ang dibidendo na ibinibigay ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) sa pambansang pamahalaan upang mabigyan ng ayuda ang mga naapektuhan ng pandemya.

Ayon kay Cebu Rep. Eduardo Gullas sa ilalim ng Republic Act 7656 ang mga GOCC ay kailangang magbigay sa gobyerno ng 50% ng net income nito.

Sa naturang batas ay nakasaad din na maaaring taasan ng Pangulo ng bansa ang ibibigay nitong dibidendo batay sa rekomendasyon ng kalihim ng Department of Finance.

“Despite the COVID-19 crisis, a number of GOCCs are still making good money and are a position to pay out incremental dividends to the national treasury,” sabi ni Gullas.

Ang 57 GOCC ng gobyerno ay nakapagbigay ng P157 bilyong dibidendo sa national treasury noong 2020.

Ang mga nagbigay ng pinakamalaking dibidendo ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas (P40.53 bilyon), Philippine Deposit Insurance Corp. (P17.98 bilyon), Philippine Amusement and Gaming Corp. (P17 bilyon), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (P12 bilyon); Civil Aviation Authority of the Philippines (P6 b bilyon), Manila International Airport Authority (P6 bilyon), Philippine Ports Authority (P5.05 bilyon), Philippine National Oil Co. (P5 bilyon), Philippine Reclamation Authority (P4.4 bilyon), National Power Corp. (P4 bilyon),

Philippine Charity Sweepstakes Office (P2.27 bilyon), PNOC Exploration Corp. (P2 bilyon); Philippine Economic Zone Authority (P2 bilyon), Bases Conversion and Development Authority (P1.17 bilyon), at Clark Development Corp. (P1.13 bilyon).

The post Binibigay na dibidendo ng GOCC sa gobyerno dagdagan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binibigay-na-dibidendo-ng-gocc-sa-gobyerno-dagdagan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=binibigay-na-dibidendo-ng-gocc-sa-gobyerno-dagdagan)