Patuloy ang paglakas ng bagyong ‘Bising’ habang binabaybay ang patungong hilagang-kanluran sa karagatan ng Pilipinas.

Sa nilabas na weather bulletin ng Pagasa nitong Sabado, alas-11 ng tanghali, huling namataan ang mata ng bagyo 645 kilometro silangan ng Maasin City, Southern Leyte.

Nagtataglay ito ng lakas ng hangin na 185 kilometer per hour, at pagbugso na aabot sa 230 km/h.

Dahil dito’y sinailalim sa Tripical Cyclone Wind Signal ang mga sumusunod na lugar:

Luzon:
Sorsogon, Albay, eastern portion ng Camarines Sur (Siruma, Goa, Ocampo, Tigaon, Sagnay, Baao, Nabua, Bato, Iriga City, Buhi, Tinambac, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan), Ticao Island, at Catanduanes

Visayas:
Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at Camotes Islands

Mindanao:
Dinagat Islands, Surigao del Norte (kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands), at Surigao del Sur

The post ‘Bising’ bahagyang lumakas, Signal No. 1 tinaas sa 15 lugar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bising-bahagyang-lumakas-signal-no-1-tinaas-sa-15-lugar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bising-bahagyang-lumakas-signal-no-1-tinaas-sa-15-lugar)