Tumulin ang Bagyong Bising habang kumikilos pa-northeast papalayo sa kalupaan ng Luzon.

Nakasaad din sa 11 PM advisory ng Pagasa, Huwebes, na huling namataan ang bagyo sa 490 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito pa-hilagang silangan sa bilis na 15 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin na hanggang 150 kph at pagbugsong aabot sa 185 kph.

Wala nang lugar sa bansa na nakasailalim sa alinmang tropical cyclone wind signal.

Samantala, banggit ng state weather bureau, inaasahang makalabas si Bising ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

The post Bising bumilis habang papalayo sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bising-bumilis-habang-papalayo-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bising-bumilis-habang-papalayo-sa-pinas)