Lalo pang humina ang Bagyong Bising habang patuloy itong kumikilos pa-hilaga ngayong Martes.

Ayon pa sa Pagasa, magdudulot ang bagyo ng mabigat hanggang matinding pag-ulan sa Catanduanes, at katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan sa silangang bahagi ng Camarines Sur at Rapu-Rapu Islands.

Huli anilang namataan si Bising nitong alas-4 ng umaga, Abril 20, sa 505 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.

Mabagal itong kumikilos pa-hilaga, taglay ang lakas ng hangin na 175 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 215 kph, dagdag ng Pagasa.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa:
– Catanduanes
– silangang bahagi ng Camarines Sur (Sagnay, San Jose, Lagonoy, Garchitorena, Presentacion, Caramoan)
– hilagang-silangang bahagi ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu)

Signal no. 1 naman sa:
– Batanes
– Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
– Isabela
– Quirino
– Apayao
– silangang bahagi ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal, Tabuk City)
– matinding silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis)
– matinding silangang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista)
– hilagang bahagi ng Aurora (Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
– silangang bahagi ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres) kabilang ang Polillo Islands
– Camarines Norte
– natitirang bahagi ng Camarines Sur
– natitirang bahagi ng Albay
– Sorsogon
– hilagang bahagi ng Masbate (Aroroy, Masbate City, Baleno, Mobo, Uson, Palanas, Dimasalang) kabilang ang Burias at Ticao Islands
– Northern Samar
– hilagang bahagi ng Samar (Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, Tarangnan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao)
– hilagang bahagi ng Eastern Samar (Maslog, Can-Avid, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

The post Bising humina, magpapaulan sa Catanduanes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bising-humina-magpapaulan-sa-catanduanes/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bising-humina-magpapaulan-sa-catanduanes)