Napanatili ng Bagyong Bising ang lakas nito habang kumikilos pa-hilaga hilagang-kanluran.

Ayon pa sa 5 AM bulletin ng Pagasa, magdudulot ng katamtaman hanggang mabibigat at paminsang matitinding pag-ulan ang bagyo sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at Leyte ngayong araw.

Huli anila itong namataan noong alas-4 ng umaga sa 250 kilometro silangan hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes, bitbit ang lakas ng hangin na hanggang 195 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 240 kph.

Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:

– Catanduanes
– silangang bahagi ng Camarines Sur (Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagnay, San Jose, Lagonoy)
– silangang bahagi ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Legazpi City, Manito)
– silangan at gitnang mga bahagi ng Sorsogon (Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan, Bulusan, Irosin, Santa Magdalena, Matnog)
– Northern Samar
– Samar
– Eastern Samar
– Biliran

Habang Signal no. 1 naman ang nakataas sa:

– silangang bahagi ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue)
– hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag)
– timog-silangang bahagi ng Quezon (Guinayangan, Calauag, Tagkawayan) kabilang ang Polillo Islands
– Camarines Norte
– natitirang bahagi ng Camarines Sur
– natitirang bahagi ng Albay
– natitirang bahagi ng Sorsogon
– Masbate, kabilang ang Burias at Ticao Islands
– Leyte
– Southern Leyte
– hilagang bahagi ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
– Dinagat Islands
– Siargao Islands
– Bucas Grande Islands

The post Bising napanatili ang lakas; Signal No. 2 akyat sa 8 lugar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bising-napanatili-ang-lakas-signal-no-2-akyat-sa-8-lugar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bising-napanatili-ang-lakas-signal-no-2-akyat-sa-8-lugar)