Napanatili ng Bagyong Bising ang lakas nito habang patungo sa Philippine Sea silangan ng Sorsogon.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa 375 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon o 345 km silangan ng Virac, Catanduanes, batay sa 11 AM bulletin ng Pagasa, Linggo.

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin na 215 kph at pagbugsong 265 kph.

Sa ngayon, ayon sa Pagasa, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar.

Signal no. 1 naman sa mga sumusunod na lugar:
– silangang bahagi ng Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Masbate, kabilang ang Burias at Ticao Islands
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– hilagang bahagi ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan), kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
– Dinagat Islands
– Siargao Islands
– Bucas Grande Islands

The post ‘Bising’ napanatili ang lakas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bising-napanatili-ang-lakas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bising-napanatili-ang-lakas)