Wala munang biyahe sa Matnog Port patungong Visayas at Mindanao simula alas-12 ng tanghali ngayong Biyernes, April 16, ayon sa Philippine Coast Guard.

Ito’y kasunod ng pagpasok ng tropical storm ‘Bising’ sa Philippine Area of Responsibility.

Pinaalalahanan ang mga trucking at logistic company na suspendehin muna ang kanilang mga biyahe para maiwasan ang mahabang pila sa Matnog, Sorsogon hanggang Daraga, Albay.

Nais din na maiwasan ang superspreader event dahil sa banta ng COVID-19 kung magkumpulan ang mga trucker sa nasabing pantalan.

The post Biyahe sa Matnog Port tigil dahil sa bagyong ‘Bising’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/biyahe-sa-matnog-port-tigil-dahil-sa-bagyong-bising/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=biyahe-sa-matnog-port-tigil-dahil-sa-bagyong-bising)