Dumayo pa sa Quezon City ang isang bulag na lalaki galing Montalban, Rizal para mag-donate sa Maginhawa Community Pantry.

Binigay ni Bonifacio Saliganan ang ilang bar ng sabon panlaba sa nasabing pantry, na nagsisilbi na lang ngayon na drop-off point ng mga donasyon na dadalhin sa iba pang community pantry sa Diliman, QC.

“Iyong aking naipon po na bar panglaba ay naisipan ko po na i-donate na lang po dito kay ma’am para po mapakinabangan po ng iba dahil hindi ko naman po nagagamit,” banggit pa ni Saliganan sa ’24 Oras’.

Samantala, tatanggap ang Maginhawa Community Pantry ng mga donasyon mula 10 AM hanggang 6 PM, Lunes hanggang Sabado.

The post Bulag mula Rizal nag-donate sa Maginhawa pantry first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulag-mula-rizal-nag-donate-sa-maginhawa-pantry/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulag-mula-rizal-nag-donate-sa-maginhawa-pantry)