Nabakunahan na laban sa coronavirus disease si Canadian Prime Minister Justin Trudeau at ang kanyang misis na si Sophie Gregoire Trudeau.

Sa ulat ng CTV News, sinabi ng politiko na “very excited” siya, bago turukan ng unang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa kaliwa niyang braso na may tattoo.

Nabakunahan naman si Sophie pagkatapos. Sila ay nabigyan ng bakuna sa isang pharmacy malapit sa Parliament Hill, Biyernes.

“If you’re eligible for your vaccine like we are, make sure you get your dose as soon as possible,” ani Trudeau sa isang COVID-19 update briefing, Biyernes, sa ulat.

The post Canadian PM tinurukan ng AstraZeneca first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/canadian-pm-tinurukan-ng-astrazeneca/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=canadian-pm-tinurukan-ng-astrazeneca)