Sumakabilang-buhay na ang “Beyond Evil” star na si Cheon Jeong Ha.

Siya ay 52 taong gulang.

Ayon sa kanyang pamilya, sa ulat ng Soompi, natagpuang patay si Cheon sa kanyang bahay noong Abril 27.

Sinasabing ang sanhi ng pagkasawi ng aktres ay cardiac arrest dulot ng low blood pressure at congestive heart failure.

Nasa showbiz scene na si Ha mula pa dekada ’90. Bumida rin siya sa mga drama na “Mouse,” “Phoenix,” “Flower of Evil,” “Forest of Secrets,” at “More Than Friends.”

The post Cheon Jeong Ha pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cheon-jeong-ha-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cheon-jeong-ha-pumanaw-na)