Tinitingnan ng China ang posibleng paghahalo ng mga COVID-19 vaccine para mapaunlad ang pagiging epektibo nito.

Sa ulat ng Financial Times, sinabi ni Chinese Center for Disease Control and Prevention head Gao Fu noong Sabado na “kinokonsidera ng ahensya kung paano posibleng malutas ang problema ng mababang efficacy rate ng mga kasalukuyang bakuna.”

Ilan aniya sa mga panukalang gawin ay paghahalo ng iba’t ibang bakuna, at pagbabago ng bilang at dami ng mga dose maging ng agwat sa pagitan nila.

Anumang bagong istratehiya ay magkakaroon ng epekto sa higit 20 bansa na binibigyan ng suplay ng China.

Ito ang unang beses na kinilala ng gobyerno ng isang bansa ang concerns sa pagiging epektibo ng kanilang sariling gawang bakuna.

The post China balak paghaluin mga COVID bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/china-balak-paghaluin-mga-covid-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=china-balak-paghaluin-mga-covid-bakuna)