Babala ng European Union, ang presensya ng China sa Julian Felipe Reef ay nagpapahamak sa kapayapaan at stability sa South China Sea.

“Tensions in the South China Sea, including the recent presence of large Chinese vessels at Whitsun Reef, endanger peace and stability in the region,” saad ng EU, Sabado, sa ulat ng Inquirer.

“The EU reiterates its strong opposition to any unilateral actions that could undermine regional stability and the international rules-based order,” dagdag nito.

Magugunitang higit 200 barko ng China ang naispatang nakatambay sa Julian Felipe Reef, na kilala rin bilang Whitsun Reef at siyang pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Hinikayat ng EU ang lahat ng mga panig na lutasin ang pagtatalo sa mapayapang paraan at alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Dapat din anilang kilalanin ng mga panig ang arbitration ruling noong 2016 na pinapaboran ang Pilipinas laban sa mga inaangkin ng China sa SCS.

The post China pahamak sa kapayapaan sa South China Sea – EU first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/china-pahamak-sa-kapayapaan-sa-south-china-sea-eu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=china-pahamak-sa-kapayapaan-sa-south-china-sea-eu)