Isasara ng Citigroup, Inc. ang mga consumer at retail banking business nito sa Pilipinas.

Patuloy naman ang operasyon ng kanilang wholesale banking sa bansa.

Kamakailan ay nilatag ng Citi ang plano nilang ituon ang global consumer bank presence nila sa Asia at sa Europe, Middle East and Africa (EMEA) sa Singapore, Hong Kong, UAE at London.

Kaya aalisin na nila ang consumer franchise nila sa 13 lugar: Pilipinas, Australia, Bahrain, China, India, Indonesia, Korea, Malaysia, Poland, Russia, Taiwan, Thailand at Vietnam.

Sinabi naman ni Citi Philippines CEO at country officer Aftab Ahmed na “walang agarang pagbabago” sa kanilang operasyon at “walang agarang epekto” sa kanilang mga katrabaho bilang resulta ng anunsyo na ito.

The post Citigroup magsasara ng ilang operasyon sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/citigroup-magsasara-ng-ilang-operasyon-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=citigroup-magsasara-ng-ilang-operasyon-sa-pinas)