Hindi palalampasin ni Jordan Clarkson ang pagkakataon na muling irepresenta ang Pilipinas sa international competition.

Ayon kay Clarkson, gusto niya muling isuot ang Gilas Pilipinas jersey at maglaro para sa mga Pilipino.

Una’t huling pagsabak ng Fil-American ay noong 2018 Asian Games kung saan naging kakampi niya sina Gabe Norwood, James Yap, Paul Lee, Stanley Pringle, at iba pang PBA star.

Tumapos sila sa fifth place nang matalo sa South Korea sa quarterfinals.

“Hopefully, everything lines up and I’m free that time and that moment and I’ll put that Gilas jersey back on and go win us something.” saad ni Clarkson sa ‘The Game’.

“I feel it all the time. I always see the flag, puso, everything. Just love and support every time I check my phone, it’s amazing,” aniya pa.

Nilalabad pa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA para payagan na maglaro si Clarkson bilang local.

The post Clarkson gigil maglaro sa Gilas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/clarkson-gigil-maglaro-sa-gilas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=clarkson-gigil-maglaro-sa-gilas)