Nababahala si dating United States Secretary of State Hillary Clinton sa papatinding impluwensya ng Tsina sa Pilipinas.

Marahil ay hindi aniya ito ang kinabukasan na gugustuhin ng bansa: na hindi na ito nakakikilos hangga’t walang pahintulot mula sa China.

“I worry about the Philippines becoming basically a subject of China through financial investments, through the buying of influence, through the undermining of institutions,” ani Clinton sa Rappler.

“I think that there’s a real danger that, left unchecked, the Philippines – no matter who the leader is – would find itself increasingly unable to act without Chinese approval. I don’t think that’s the kind of future that the Philippines would like,” banggit niya pa.

Naniniwala rin si Clinton na dahil sa “ill-advised” at “incoherent” na patakaran ni dating US President Donald Trump sa China ay nabigyang-laya ang China na mapalakas ang posisyon nito sa Asia Pacific, sa partikular ay sa South China Sea.

The post Clinton nag-aalalang maging yuko ang ‘Pinas sa China first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/clinton-nag-aalalang-maging-yuko-ang-pinas-sa-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=clinton-nag-aalalang-maging-yuko-ang-pinas-sa-china)