Humanga si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa magandang mensahe ng community pantry na ginaya na sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ng kalihim na muling lumakas ang bayanihan spirit kung saan ang kapwa Pilipino ay tumutulong sa kapwa Pilipinas sa panahon ng pandemic na dulot ng COVID-19.

“Napakaganda non, kasi yung mga tao na nakakita ng pangangailangan at kayang-kaya nilang magbigay that creates a beautiful movement na ang kapwa mo tumutulong sa kapwa,” ani Panelo.

Pero nilinaw ng kalihim na ang pagsulpot ng community pantry ay hindi nangangahulugang may pagkukulang ang gobyerno sa pagtulong at pag-alalay sa mga naapektuhan ng pandemic.

Sinabi ni Panelo na walang bansang nakaalam na mangyayari ang ganitong pagsubok at hindi lamang ang Pilipinas ang nakakaranas ng dusa dahil sa COVID pandemic, pero dahil sa mga karanasan ay nagagawang tugunan ang epektong dulot nito.

“Nobody expected this pandemic that challenged everyone, all government. Walang nakakaalam how to deal with it, but as we went along nagkaroon tayo ng mga karanasan,” dagdag ni Panelo.

The post Community pantry magandang movement – Panelo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/community-pantry-magandang-movement-panelo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=community-pantry-magandang-movement-panelo)