Nagkaroon ng instant sandaang piso ang mga nakapila sa isang community pantry sa Makati.

Sa video na tinweet ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, makikitang may isang lalaki na sunud-sunod na namigay ng tig-P100 sa mga benepisyaryo ng nasabing pantry.

Nakasuot ito ng face mask at face shield, puting polo shirt at denim jeans, at tumanggi itong magpakilala.

“Holy smokes! A man arrived at our #CommunityPantry in Makati and gave away P100 to everyone in the line,” banggit ni Casiño kahapon.

“Hindi nagpakilala. Salamat kung sino ka man!” lahad niya pa.

The post Community pantry sa Makati inulan ng P100 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/community-pantry-sa-makati-inulan-ng-p100/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=community-pantry-sa-makati-inulan-ng-p100)