Mayroon umanong mga tao na gumagamit ng Person With Disabilities (PWD) identification card kahit wala namang kapansanan para maunang mabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong dapat maglatag ng mahigpit na verification process ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infections Diseases (IATF) upang hindi makalusot ang mga nagpapanggap na PWD.

Sa isang vaccination site sa Maynila, ayon sa impormasyong nakarating sa mambabatas 90-percent ng nagpabakuna ay Filipino-Chinese na nagsabi na sila ay PWD.

“I think that before listing a person who claims to be a PWD, those who are processing their applications should thoroughly verify if they are really listed in the master list of PWD which can be provided by the National Council on Disability Affairs,” ani Ong.

Ang mga PWD ay nasa A3 priority list o babakunahan matapos ang frontline healthcare worker (A1) at senior citizen (A2).

Isa si Ong sa mga kongresista na nagsulong na imbestigahan ang mga PWD ID na ibinigay sa mga hindi kuwalipikadong indibidwal para makakuha ng discount sa pagkain at serbisyo.

Dapat umanong magpatupad ng crackdown ang mga ahensya ng gobyerno laban sa mga nasa likod ng PWD ID na ibinibigay sa mga wala namang kapansanan.

Maaari umanong magbigay ng bagong PWD ID na mayroong mga security features ang gobyerno at tiyakin na ang mabibigyan lamang nito ay ang mga kuwalipikado.

The post Cong binunyag: Mga Tsinoy gumagamit ng PWD ID para sumingit sa bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cong-binunyag-mga-tsinoy-gumagamit-ng-pwd-id-para-sumingit-sa-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cong-binunyag-mga-tsinoy-gumagamit-ng-pwd-id-para-sumingit-sa-bakuna)