Kinumpirma ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. na namatay dahil sa stroke ang kanyang dating aide na si Atty. Richard Cambe.

Sa impormasyong natanggap mula sa New Bilibid Prison (NBP), sinabi ni Revilla na-stroke si Cambe noong Miyerkoles ng gabi subalit walang mapagdalhan na ospital dahil full capacity ang mga ospital sa Metro Manila.

“After best efforts, nadala siya late afternoon kahapon sa OM, ngunit sa kasamaang palad ay binawian na siya ng buhay sa ER,” sabi ni Revilla.

“Last night, my former legislative staff Atty. Richard Cambe passed away at the Ospital ng Muntinlupa. He served more than 10 years with my father, and just about the same time in my office,” dagdag pa nito.

Nakiramay naman ang buong angkan ng Revilla sa pagpanaw ni Cambe.

“Ang aming taimtim na panalangin at lubos na pakikiramay sa kanyang mga naiwan,” sabi ng senador.

Si Cambe ay co-accused sa plunder case kaugnay ng maling paggamit ng priority development assistance fund ng senador.

Noong 2018, nahatulan ng Sandiganbayan ng ‘not guilty’ si Revilla subalit na-convict naman si Cambe at negosyanteng si Janet Napoles.

Nasentenisya ng reclusion perpetua si Cambe at Napoles, na sinasabing mastermind ng naturang scam.

Inatasan din ng korte sina Napoles at Cambe na ibalik ang P124 milyon sa gobyerno. Hindi rin sila pinapayagang magtrabaho pa sa gobyerno.

The post Convicted na ex-aide ni Revilla dedo sa stroke first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/convicted-na-ex-aide-ni-revilla-dedo-sa-stroke/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=convicted-na-ex-aide-ni-revilla-dedo-sa-stroke)