Sumipa na sa 76 milyong indibidwal sa buong daigdig ang tumalo sa sakit na new coronavirus.

Ayon sa datos ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) sa Johns Hopkins University (JHU), Biyernes, 76,027,280 na ang naging COVID-19 survivors.

Una sa mga bansang may pinakamaraming virus recovery ang India sa 11,851,393.

Sumunod ang Brazil (11,660,050), Russia (4,190,701), at Turkey (3,232,892).

Samantala, batay din sa COVID-19 dashboard ng JHU-CSSE, 133,755,255 katao na ang nahawa habang 2,899,782 pasyente na worldwide ang pumanaw dahil sa coronavirus.

The post COVID-19 survivors sa mundo 76M na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-survivors-sa-mundo-76m-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-19-survivors-sa-mundo-76m-na)