Inaasahan ng isang presidential adviser na bubuti na ang sitwasyon sa bansa pagsapit ng Hunyo, kung kailan nakatakdang dumating ang COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang brands.

Sabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, kinumpirma na ng AstraZeneca ang paglapag sa Pilipinas ng 1.3 milyong doses ng bakuna nito sa unang linggo ng Hunyo.

Samantala, darating din aniya sa parehong panahon ang 100,000 doses ng Moderna bakuna.

Nakatakda ring makipagpulong ngayong araw ang pamahalaan sa Bharat Biotech para sa pagbili ng COVID-19 bakuna nito na “maagang darating,” bandang Hunyo aniya.

“Ang maganda dito is that by June, things will be better because we will start vaccinating a lot of people,” sambit pa ni Concepcion sa ABS-CBN’s TeleRadyo, Martes.

The post COVID bakuna dadagsa sa Hunyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-bakuna-dadagsa-sa-hunyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-bakuna-dadagsa-sa-hunyo)