Nag-isip ang lokal na gobyerno ng Maynila ng paraan para matugunan ang problema ng umaapaw na mga COVID-19 patient sa Metro Manila.

Binahagi ni Mayor Isko Moreno, sa isang Facebook live video kagabi, na sa loob ng 60 araw ay magtatayo nila ng isang “COVID-19 Field Hospital” sa Burnham Green sa Luneta.

Dito, magkakaroon ng 336 kama para sa mga mild at moderate na kaso ng COVID-19.

“Ito po ay containerized. Hindi ko po ‘to original na idea, kinopya ko lang ito sa ginawa sa Italy,” banggit ng alkalde.

“Ito po ay medyo may konting engineering challenge, but it’s doable ’cause they did it,” dagdag niya.

Kukunin umano ang pondo mula sa ipon ng city government at mula sa mga donasyon.

Samantala, kapag hindi na masyadong marami ang mga kaso ay ibabalik na ng Maynila ang damo at orihinal na itsura ng Burnham Green.

Batay sa virus tracker ng DOH, as of April 17 ay may 100,253 aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

The post COVID field hospital itatayo sa Maynila first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-field-hospital-itatayo-sa-maynila/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-field-hospital-itatayo-sa-maynila)