Hindi bababa sa 23 indibidwal ang nasawi sa sunog sa isang COVID-19 hospital sa Baghdad, Iraq.

Sa ulat ng BBC, sinabi ni Iraq’s Civil Defence head Major General Kadhim Bohan na sumiklab ang apoy sa intensive care unit ng Ibn al-Khatib Hospital, Sabado ng gabi.

Nagliyab aniya sa palapag na “itinalaga para sa pulusary resuscitation.”

Nasagip naman ng emergency crew ang 90 sa 120 pasyente at mga kamag-anak.

Ayon sa mga ulat, may isang aksidente na nagdulot sa pagsabog ng isang oxygen tank, na nagpasiklab ng sunog.

Nagpatawag na si Iraqi Prime Minister Mustafa al-Kadhimi ng agarang imbestigasyon sa insidente.

The post COVID hospital sa Iraq nasunog, 23 patay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-hospital-sa-iraq-nasunog-23-patay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-hospital-sa-iraq-nasunog-23-patay)