May sampung ebidensya na nilista ang isang pag-aaral na sumusuporta sa hypothesis na ang COVID-19 ay airborne o naipapasa sa hangin.

Ito ang ilan sa mga nakasaad sa artikulong “Ten scientific reasons in support of airborne transmission of SARS-CoV-2,” na nilabas noong Abril 15 sa medical journal na The Lancet:

– Na-detect ang buhay na SARS-CoV-2 sa hangin. Ang SARS-CoV-2 ay ang virus na nagdudulot ng COVID-19. “In laboratory experiments, SARS-CoV-2 stayed infectious in the air for up to 3 h with a half-life of 1·1 h.”
– Nabatid na ang pangunahing sanhi ng pagkalat ng SARS-CoV-2 ay ang mga “superspreading event” o malalaking pagtitipon.
– Naitala sa mga quarantine hotel ang long-range transmission ng SARS-CoV-2 sa mga tao na magkakatabi ang mga kwarto pero hindi kailanman nagkita.

– Mas mataas ang SARS-CoV-2 transmission sa indoors kaysa outdoors, at nababawasan ito sa pamamagitan ng indoor ventilation. “Both observations support a predominantly airborne route of transmission.”

– Natukoy ang SARS-CoV-2 sa mga air filter at building duct sa mga ospital na may COVID-19 patient. Ang mga naturang lokasyon ay maaabot lamang ng aerosols.

– Wala pang pag-aaral na naghayag ng matibay o consistent na ebidensya para pabulaaanan ang hypothesis na airborne ang pagkalat ng SARS-CoV-2.

– May limitadong ebidensya lang na sumusuporta na ang respiratory droplet o formite ang dominanteng ruta ng transmission.

“There is consistent, strong evidence that SARS-CoV-2 spreads by airborne transmission. Although other routes can contribute, we believe that the airborne route is likely to be dominant,” ayon sa mga awtor.

“The public health community should act accordingly and without further delay,” dagdag nila.

The post COVID napapasa sa hangin – study first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-napapasa-sa-hangin-study/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-napapasa-sa-hangin-study)