Lampas 13 milyong indibidwal sa Brazil ang tinamaan na ng coronavirus disease 2019.

13,013,601 na ang kumpirmadong nahawa sa COVID-19, batay sa dashboard ng Johns Hopkins University – Center for Systems Science and Engineering, Martes.

Top 2 anila ang Brazil sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng coronavirus, matapos ang Amerika na may 30.78 milyon.

Samantala, ayon din sa JHU-CSSE dashboard, 11,405,558 na ang gumaling habang 332,752 katao na ang namatay sa nasabing bansa dahil sa COVID-19.

The post Covid-positive sa Brazil 13 milyon na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-brazil-13-milyon-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-positive-sa-brazil-13-milyon-na)