135 milyong katao na sa daigdig ang tinamaan ng coronavirus disease 2019.

135,076,384 ang partikular na bilang ngayong Linggo ng umaga, Abril 11, ayon sa COVID-19 dashboard ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) sa Johns Hopkins University (JHU).

Samantala, 2,921,389 pasyente na ang pumanaw habang 76,774,886 indibidwal na ang gumaling mula sa COVID-19 worldwide.

Batay pa sa datos ng JHU-CSSE, Amerika ang parehong nangunguna sa may mga pinakamaraming coronavirus cases (31,148,482) at deaths (561,758), habang India naman ang sa recoveries (11,990,859).

192 mga bansa o mga rehiyon na ang apektado nitong pandemya, saad pa sa dashboard.

The post COVID-positive sa mundo akyat sa 135M first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-mundo-akyat-sa-135m/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-positive-sa-mundo-akyat-sa-135m)