Kasalukuyang 1.65 ang reproduction number ng coronavirus disease sa Metro Manila, na maikokonsidera na “very high”, ayon sa OCTA Research.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa tinatayang bilang ng mga tao na maaaring mahawahan ng isang positibo ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research fellow Prof. Guido David, bagaman nakita ang pagbuti nito kumpara sa nakaraang linggo, hindi pa ito nangangahulugan na ang bilang ng mga kaso ay bumababa na ngayon.

Inaasahan aniyang bababa ang reproduction number sa 1.33 o mas mababa pa sa 1 sa susunod na linggo kung palalawigin ang ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

“We are hoping that if the trends continue, if we extend the quarantine or at least minimize mobility, the reproduction number could decrease to 1.33 by next week on average,” wika ni David sa virtual press briefing ngayong Sabado.

“We are seeing the effects of the ECQ already, but if we extend it, it’s possible to decrease the reproduction number even lower to almost 1,” dagdag niya.

The post COVID reproduction rate sa Metro Manila napakataas pa – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-reproduction-rate-sa-metro-manila-napakataas-pa-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-reproduction-rate-sa-metro-manila-napakataas-pa-octa)