Tumalon na sa 84 milyon ang mga taong dinapuan ng coronavirus disease sa buong daigdig na gumaling na.

Sa dashboard ng Center for Systems Science and Engineering sa Johns Hopkins University, Linggo, nakasaad na 84,091,827 na ang COVID-19 survivors worldwide.

Una sa listahan ng mga may pinakamaraming virus recovery ang India (13,867,997), tapos ay Brazil (12,605,248) at Russia (4,330,610).

Samantala, batay din sa JHU-CSSE, 146,068,356 na ang nahawa habang 3,095,611 indibidwal na ang nasawi sa mundo dahil sa COVID-19.

192 lugar na ang apektado ng pandemya kabilang ang Pilipinas, saad pa sa dashboard.

The post COVID survivor sa mundo higit 84M na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-survivor-sa-mundo-higit-84m-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-survivor-sa-mundo-higit-84m-na)