Nagpahayag ng pagkadismaya si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa nakasanayan nang aksyon ng Department of Agriculture (DA) na pag-aangkat sa tuwing may kakulangan sa suplay ng pagkain sa bansa.

“Apat na administration na po ang napagdaanan ko, at nakita ko po na laging policy ng DA na mag-import. Basta nagka-problema sa presyo, import kaagad ang sagot ng DA,” pahayag ni Zubiri sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole noong Lunes sa isyu ng food security crisis.

Kaya nga biru-biruan umano ng mga magsasaka at kooperatiba na dapat palitan na ang DA at gawin na itong Department of Importation.

“Hindi dapat iyan ang sagot. Dapat ang sagot ng DA, ‘Sandali, dapat tulungan natin ang mga magsasaka natin kaysa mga magsasaka ng ibang bansa.’ The joke among local farmers and cooperatives is that the DA should be renamed as the Department of Importation,” sabi ni Zubiri.

Dapat aniya’t ‘last resort’ na ng gobyerno ang importasyon at palakasin na lang ang lokal na agrikultara para kulangin ang suplay ng pagkain ang bansa at hindi aasa pa sa importasyon.

“Policy-wise, importation should be the last resort of the DA. Take a look at Thailand and Vietnam. Pinagtitibay nila ang local agriculture nila. That is food security,” ayon sa majority flood leader.

Sinabi naman ni Secretary William Dar na sa ilalim ng kanyang termino, patuloy naman nilang pinapalakas ang local commodity industry subalit dahil sa kakulangan ng pondo, mabagal aniya ang progreso nito.

Dismayado pa si Zubiri dahil tila hindi dininig ang rekomendasyon na i-ban ang pork import hindi lamang sa mga ASF-hit ng mga bansa, kundi sa mga kalapit ng bansa sa Southeast Asia.

“Pero nakapasok pa rin ang ASF dahil sa importation and smuggling, and now farmers in Luzon are totally devastated. I know people who are down to zero hogs on their farms now,” sabi ni Zubiri.

“And with the executive order on the increased importation as well as the lowering of the import tariffs of imported pork products, lalo lang silang malulugi. If we import, we damage the local industry. So we appeal to the DA to revise the EO. Malaking dagok ito sa mga producers natin. Kahit nasa 40 percent na tariff ay mas mura na sila kaysa sa local products, tapos ibababa pa sa 5 percent,” dagdag pa nito.

The post DA gawin nang ‘Department of Importation’ – Zubiri first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/da-gawin-nang-department-of-importation-zubiri/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=da-gawin-nang-department-of-importation-zubiri)