Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan para sa dagdag na tulong-pinansyal sa mga residente ng Metro Manila at kalapit na mga probinsya na nahaharap sa pinalawig na anti-coronavirus lockdown.

“Sabi nga sa nakita ko sa social media: Hindi lang quarantine, kwarta rin ang kailangan ng ating mga kababayan. Hirap na naman ang hanapbuhay kung ma-extend ang ECQ,” pahayag ni Pangilinan sa panayam sa radyo.

“Importante, hanapan ng solusyon, hanapan ng ayuda yung budget,” dagdag pa ng senador na nanguna sa panawagan ng magsagawa ang Senate Committee of the Whole sa pagdinig sa COVID response.

Muli ring nanawagan si Pangilinan na magsagawa ng malalawakang, testing, tracing at isolation sa panahon ng ECQ.

“If the ECQ would be extended for two to three weeks, dapat ang testing, tracing, at isolation ay isinasagawa nang maayos,” ayon kay Pangilinan.

“That means parang walang tunay na contact tracing na nangyayari. Pamilya lang ang na-co-contact trace,” dagdag pa nito.

Hiniling naman ni Pangilinan sa mga resident sakop ng ECQ na maging mas maingat at istriktong sumunod sa health protocol lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa.

“I was just in a meeting with former Health Secretary Esperanza Cabral yesterday, sabi niya dahil mas matindi ang bilang ng kaso ng Covid dito sa NCR at karatig-probinsya ngayon at kailangan ng mas matinding vigilance at pag-iingat. Kailangan double-up sa pag-iingat,” sabi ng senador.

Samantala, sinabi naman ni Pangilinan na sinusuportahan niya ang programa ni Vice President Leni Robredo na medical teleconsultation para sa mga pakiramdam na sintomas ng Covid o di kaya’y na-expose sa Covid-positive na mga indibidwal.

Maganda rin aniya ang Swab Cab initiative ng Robredo na magbibigay ng financial assistance sa mga taong nagpositibo.

“Baka pwede ring gawing national policy ito para mawala ang agam-agam at ma-engganyo na magpatest ang marami. Ang puno’t dulo ay sino pa ang magtutulungan, tayo-tayo rin,” ani Pangilinan.

Julia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Dagdag-ECQ, dagdag-ayuda – Kiko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dagdag-ecq-dagdag-ayuda-kiko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dagdag-ecq-dagdag-ayuda-kiko)