Tumama ang isang magnitude 4.0 na lindol sa Dalupiri Island kaninang madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig sa 49 kilometro hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan bandang 1:47 ng umaga, Abril 28.

Itong tectonic earthquake ay may lalim na 32 kilometro.

Samantala, saad pa ng Phivolcs, hindi ito magdudulot ng mga kasunod na lindol o ng pinsala sa ari-arian.

The post Dalupiri Island niyanig ng lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dalupiri-island-niyanig-ng-lindol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dalupiri-island-niyanig-ng-lindol)