Pinabulaanan ni Agriculture Secretary William Dar na sangkot siya sa diumano’y “tongpats” o kickback scheme sa importasyon ng baboy sa bansa.

“As regards to the alleged ‘tongpats’ of about P5 to P7 per kilo of imported pork, the present DA (Department of Agriculture) leadership categorically denies any involvement if such scheme indeed exists,” pahayag ni Dar sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa diumano’y anomalya sa importasyon ng baboy.

“On my personal and official capacity as sec of the DA, [I am] one with all of you, with President Rodrigo Duterte in the strict observance of good governance and no corruption in government and will never allow any corrupt practice,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na maaring umabot ang tongpatd sa P6 bilyon kada taon kung aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang babaan ang taripa sa baboy at dagdagan ang import allocation para dito.

Noong nagdaang linggo, inaprubahan ni Duterte ang Executive Order 128 na nagbaba sa tariff rate ng imported pork.

Sa simula ng pagdinig, umapela si Lacson kay Duterte na bawiin ang nasabing kautusan dahil sa negatibong epekto nito sa local hog industry gayudnin sa koleksiyon ng gobyerno sa tariff revenue.

Subalit idinipensa ni Dar ang rekomendasyon ng ahensiya at sinabing ang pagbaba ng taripa sa pork import ay magpapababa sa presyon ng baboy, gayundin sa inflation at magbibigay ng rasonableng profit margin.

“As far as the MAV allocation is concerned, strict implementing regulations and guidelines are in place to ensure a transparent and non-discretionary systematic distribution procedure on the MAV allocation,” pahayag ni Dar sa mga senador.

The post Dar tinangging sangkot sa ‘tongpats’ sa pork importation first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dar-tinangging-sangkot-sa-tongpats-sa-pork-importation/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dar-tinangging-sangkot-sa-tongpats-sa-pork-importation)