Yumao na ang dating reporter at editor na si Jose Chua Locsin sa edad na 86.

Pasado ala-una ng hapon ngayong Abril 28 namayapa si Chua matapos ang halos isang buwan na pagkaka-confine sa ospital dahil sa stroke at pneumonia.

Nagtrabaho siya bilang reporter at editor sa mga publikasyon sa Chinese community.

Naulila niya ang tatlong anak na sina Joel, Jona at Jorge; mga manugang na sina Regina at Anthony; apo na si Justine Meili; at mga kapatid.

The post Dating reporter, editor pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dating-reporter-editor-pumanaw-na2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dating-reporter-editor-pumanaw-na2)