Tumama ang isang magnitude-5.4 na lindol sa karagatan ng Sarangani sa Davao Occidental nitong Sabado ng madaling-araw.

Naganap ang pag-uga bandang alas-4:55 ng madaling-araw.

Ayon sa bulletin ng Phivolcs, may lalim na 39 kilometro ang naturang lindol, na tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang pinsalang idulot ang lindol, ngunit may posibilidad ng aftershock.

The post Davao Occidental inuga ng magnitude 5.4 lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-occidental-inuga-ng-magnitude-5-4-lindol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=davao-occidental-inuga-ng-magnitude-5-4-lindol)