Inalog ng magnitude 4.8 na lindol ang Davao Occidental kaninang madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, alas-2:38 ng umaga, Abril 14, nang tumama ang lindol sa 128 kilometro timog-silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.

Tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim itong 77 kilometro.

Samantala, parehong hindi inaasahan ng Phivolcs ang damage at aftershocks matapos ang lindol.

The post Davao Occidental niyanig ng lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-occidental-niyanig-ng-lindol-10/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=davao-occidental-niyanig-ng-lindol-10)