Dapat umanong payagan ng makapasok sa bansa ang mga dayuhan na nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Deputy Speaker at 1-PACMAN Rep. Michael Romero nasa 1 bilyong tao na sa mundo ang nabakunahan laban sa COVID-19 at patuloy ang pagdami ng mga ito.

“There are already 1 billion people out there who have been vaccinated twice. We should let them in as long as they present their valid vaccination cards upon boarding at point of origin,” sabi ni Romero.

Kung hahayaan na umanong makapasok, makatutulong umano ang mga ito sa pagbuhay ng mga industriya sa bansa partikular ang tourism at retail sector.

“We cannot sit and just wait for the world to revolve. We already did the world’s longest lockdown. Government has to be proactive, we need to progress, move forward,” dagdag pa ni Romero.

May mga bansa na unti-unti nang inaalis ang mga restriksyon na ipinatupad nito upang labanan ang COVID-19 matapos na mabakunahan ang malaking bahagi ng kanilang populasyon. (Billy Begas)

The post Dayuhang bakunado payagang bumiyahe sa ‘Pinas – solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dayuhang-bakunado-payagang-bumiyahe-sa-pinas-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dayuhang-bakunado-payagang-bumiyahe-sa-pinas-solon)