Kailangang sumailalim sa rehabilitation ang Armed Forces of the Philippines pagkatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022, ayon kay Senadora Leila de Lima.

Bagama’t umaasa ang senador na maibabalik ang aniya’y ‘shaky loyalty’ ng AFP sa bansa, hindi na umano ang maibabalik ang pinsalang idinulot ni Duterte kaya’t walang choice kundi i-rehabilitate ang general staff ng military.

“Because our country has only one AFP who will defend us against China,” paliwana gni De Lima.

“Either that, or we start accepting our fate in this region as just another one of China’s satellites after Laos and Cambodia,” dagdag nito.

Sabi ni De Lima, ang pagiging mahabagin ng AFP Western Command sa Chinese militia sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS) ay maiuugnay sa ‘policy of subservience’ ni Duterte sa China.

Noong Martes, inihayag ng National Task Force for the West Philippine Sea na nanatitili ang 240 Chinese militia vessel sa loob ng territorial water ng Pilipinas.

Taliwas ito sa ulat ng WesCom na 28 Chinese vessel – kamaramihan ay mga fishing boat – ay nanatili sa WPS.

“The AFP still thinks it is worth it to continue to support Duterte’s policy of groveling before China. This is how confused this government and its AFP is when it comes to China,” sabi ni De Lima.

“Not even the presence of an American carrier force right at China’s doorstep sending signals for China to stand down has consolidated the AFP’s resolve to defend the country and for once, just for once, have the balls to stand up to China,” dagdag pa nito.

The post De Lima: AFP i-rehab pagkatapos ng pamumuno ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/de-lima-afp-i-rehab-pagkatapos-ng-pamumuno-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=de-lima-afp-i-rehab-pagkatapos-ng-pamumuno-ni-duterte)