Binuweltahan ni Senadora Leila de Lima ang mga patama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mensahe sa bayan nitong Lunes.

Giit ni De Lima, namamatay na ang mga Pilipino dahil sa pandemya ay siya pa rin ang bukambibig ng Pangulo.

“Mr. President, maawa ka naman sa taumbayan. Namamatay na mga mahal nila sa buhay ako pa rin ang problema mo?” giit ni De Lima sa serye ng tweet.

Tinawag din ni De Lima na ‘tuta’ si Duterte ng China kaya kumalat ang virus sa bansa.

“Alam naman ng lahat na ikaw ang ayaw magban sa mainland Chinese noong kumakalat na ang virus dahil tuta ka nila,” patama pa ng senadora.

“Magtrabaho ka na lang Duterte. Kung nagtrabaho ka lang sana hindi tayo umabot sa ganito. Huwag ka na lang puro ngawngaw,” aniya pa.

Sa talumpati ng Pangulo nitong Lunes, pinagmumura nito si De Lima at sinabing hindi kakayanin ng mambabatas ang ginawa niya para sa bansa.

“Galit ka lang kasi naging Presidente ako. Galit ka lang kasi ako may ginawa sa bayan, galit lang kasi hindi ako pumayag na itong bayan ko pupunta sa aso. Kung wala ako ginawa, we would have been a narcopolitcs state. Iyong ginawa ko hindi mo kaya sa totoo lang, naghahanap ka lang ng isyu,” ayon kay Duterte.

The post De Lima kay Duterte: Namamatay na taumbayan, ako pa rin problema mo? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/de-lima-kay-duterte-namamatay-na-taumbayan-ako-pa-rin-problema-mo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=de-lima-kay-duterte-namamatay-na-taumbayan-ako-pa-rin-problema-mo)